Paggamit ng digital platforms sa pagdaraos ng mga torneo at training, iminungkahi ng PSC

28

Hinikayat ng Philippine Sports Commission (PSC) ang iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) sa bansa na gamitin ang digital platforms sa pagdaraos ng mga torneo at training.

Kasunod ito ng pagsuspinde ng PSC sa lahat ng sports activities ngayong taon dahil sa COVID-19.


Ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez, kailangang ipagpatuloy ng mga manlalaro ang pangangalaga sa kanilang pisikal na pangangatawan kahit umiiral ang community quarantine dahil sa pandemic.

Pinaalalahanan naman ni Ramirez ang NSAs at ibang mga organisasyon na sumunod sa health protocols sa kanilang online activities.

Facebook Comments