Mahigit 300 na mga bahay naabo sa sunog sa Cebu

CEBU NEWS- JULY 25 , 2017

Aabot sa 315 na mga bahay ang naabo sa dalawang malalaking sunog na nangyari habang inaantabayanan ang paghahatid ng pangulo sa kaniyang State of the Nation Address o SONA kahapon .

Alas 12:00 ng tanghali kahapon nangyari ang sunog sa Barangay Calamba sa lungsod ng Cebu na tumupok sa 195 na mga kabahayan .


Samantala sa lungsod ng Mandaue , sa kalagitnaan ng SONA ng pangulo ay nagkaroon naman din ng sunog sa Barangay Subangdaku at umabo sa mahigit 100 mga bahay .

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang dahilan ng dalawang malalaking sunog sa Metro Cebu kahapon .

Facebook Comments