Gumaling na ang 327 na mga batang tinamaan ng hand-foot-and-mouth disease (HFMD) sa Bicol Region.
Ayon kay Department of Health (DOH) Region 5 Infectious Disease Cluster Program Coordinator Dr. France Geñorga, naitala ang pinakamaraming kaso ng HFMD sa Sorsogon na nasa 255.
Sinundan aniya ito ng Masbate na mayroong 47 na kaso; Catanduanes na may sampung kaso; Albay na may walong kaso; Camarines Sur na may apat na kaso at Camarines Sur na may tatlong kaso ng HFMD.
Paliwanag ni Geñorga, person-to-person ang hawaan ng HFMD at hindi naman nakakamatay maliban na lamang kung pababayaan.
Karamihan aniya sa madalas na mahawaan nito ay mga batang edad lima pababa.
Tiniyak naman ni Geñorga na walang naiulat na nasawi sa nasabing sakit sa rehiyon.
Facebook Comments