DOJ, naglabas na ng subpoena laban kay Gen. Bantag

Naglabas na ang Department of Justice (DOJ) ng subpoena laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director Gen. Gerald Bantag kaugnay sa Percy Lapid slay case.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, pinadadalo si Bantag sa preliminary investigation ng DOJ sa kaso ng pagpatay kay Lapid.

Nakatakda ang pagdinig sa November 23 ng alas-9:00 ng umaga at December 5 ng ala-1:00 ng hapon.


Una nang inihayag ng kampo ng abogado ni Bantag na handa silang tanggapin ang subpoena sa Baguio City.

Facebook Comments