*Cauayan City, Isabela*- Inilikas na ang inisyal na 352 na pamilya o 1,261 na indibidwal sa pitong bayan na kinabibilangan ng Calanasa, Conner, Flora, Kabugao, Luna, Pudtol at Sta. Marcela dahil sa banta ng pagguho ng lupa sa Probinsya ng Apayao.
Ayon kay PDRRM Officer Jeoffrey Borromeo,inilikas na rin ang mga pamilyang nakatira malapit sa mga ilog dahil sa posibleng pag apaw ng tubig habang inihanda na rin sa mga evacuation center gaya ng mga brgy. Hall ang relief packs na ipapamahagi sa mga pamilya.
Nakahanda na ngayon ang ilang kagamitan na gagamitin sa pagresponde sakaling manalasa ng matindi ang bagyo sa probinsya.
Dagdag pa ni PDRRMC Borromeo, bagama’t manageable pa ang nasabing ilog ay mahigpit nila itong binabantayan dahil sa posibleng pag apaw ng Abulog River kung makakaranas ng malawakang pag uulan.
Sa ngayon ay naka RED ALERT Status ang probinsya batay sa kautusan mula sa tanggapan ni Governor Eleanor Begtang.