Mahigit 300 pulis na nasa narco list mayroong gag order ayon sa PNP

Dapat manahimik ang mga pulis na nasa drug list habang iniimbestigahan ng National Adjudication Board.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa, dahil mayroon aniya siyang general instruction sa mga pulis na huwag magsalita habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

Kung may problema raw kasi aniya ay dapat maayos ito sa kanilang hanay na lamang at huwag nang isapubliko.


Pero, sinabi ni PNP chief na hindi pa sa ngayon maituturing na insubordination ang ginagawa ni Espenido dahil sa kaliwa’t kanang pagpapaliwanag nito sa media.

Sinabi ni Gamboa, magsasagwa sila ng hiwalay na imbestigasyon sa pagsasalita ni Espenido sa publiko.

Facebook Comments