Mahigit 3,000 pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commander Armand Balilo na pinakaapektado ng Bagyong Dante ang mga pantalan sa eastern seaboard gaya sa Leyte, Samar, Bicol at Batangas.
Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na nagtutulungan ang Philippine Ports Authority (PPA) at mga local government unit (LGU) para tiyaking nasusunod ang health at safety protocols sa mga pantalan.
Inabisuhan naman ni Balilo ang mga pasahero na umuwi muna kung may malapit na matutuluyang kamag-anak hanggang sa humupa ang bagyo.
Facebook Comments