
Naghahanda na ang Police Regional Office 3 (PRO-3) sa pamumuno ni PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr. para sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa darating na Undas 2025.
Mahigit 3,000 pulis ang itatalaga simula Oktubre 29 sa mga sementeryo, memorial park, simbahan, terminal, at mga pook-pasyalan sa buong Central Luzon upang matiyak ang maayos at mapayapang paggunita.
Katuwang ng PRO-3 sa operasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at mahigit 7,600 force multipliers na sabay-sabay magbabantay sa seguridad ng publiko.
Ayon kay PBGen. Peñones Jr., sapat na pwersa ang kanilang inihanda upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa panahon ng Undas.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng PNP Focused Agenda ni Acting Chief, PNP PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO) program na naglalayong palakasin ang kapabilidad ng pulisya sa pagbibigay-proteksyon at serbisyo sa mamamayan.









