Cauayan City, Isabela- Inaprubahan ng District Tripartite Council-Cagayan Robina Sugar Milling Company (DTC-CARSUMCO) ang apat (4) na resolusyon sa katatapos na pulong kabilang ang tulong para sa mahigit 3,000 sugar workers sa Cagayan bago ang pagsapit ng June 30, 2022.
Ilan sa mga tulong na nakatakdang ipamahagi sa mga manggagawa ang farm equipment and tools sa 3,000 workers at kabuuang 700 indibidwal na tinulungan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Ang nasabing pulong ay dinaluhan ni DOLE RO2 Regional Director Joel M. Gonzales na nagsilbing ex-officio chairman kasama ang anim na kinatawan mula sa planters, field workers, and millers’ sectors.
Binuo ang nasabing Sugar Milling Company sa bawat milling district sa bansa upang masiguro sa mas angat na partisipasyon ng mga planters, millers and workers para sa social and economic programs and policy determination sa ilalim ng R.A. 6982.
Facebook Comments