Mahigit 300,000 doses ng Moderna vaccines para sa pribadong sektor, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa kahapon ang karagdagang 326,400 doses ng Moderna mula sa Estados Unidos na binili ng mga pribadong sektor.

Lumapag ang mga bakuna sakay ng eroplano sa Ninoy Aquino Terminal Airport (NAIA-3).

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., parte ang mga biniling bakuna ng tripartite agreement sa pagitan ng gobyerno at ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) foundation.


Sa kabuuang 326,400 doses ng Moderna, 224,400 ang mapupunta sa ICTSI at sa gobyerno ang nalalabing 102,000 doses.

Tiniyak naman ni Galvez na mapupunta ang mga bakuna sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

Facebook Comments