Mahigit 300,000 Isabeleño, Irerehistro sa ilalim ng National ID System

Cauayan City, Isabela- Aabot sa mahigit 300,000 Isabeleño ang inaasahang mairerehistro para sa pagkakaroon ng Philippine National Identity Card sa bansa inaasahang sisimulan na sa Oktubre 12,2020.

Ayon kay Julius Emperador, Chief Statistical Specialist- PSA Isabela, nagsimula na silang tumanggap ng mga aplikante na siyang isasabak sa pagsisimula ng pagkakaroon ng nasabing identification card.

Dagdag pa ng opisyal, sa sandaling masimulan ang National ID system ay ito na ang gagamitin sa lahat ng transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.


Ayon pa kay Emperador, naatasan ang kanilang ahensya na simulan ang pagrerehistro sa mga low-income families para sa huling quarter ng taon.

Nangangailangan ng 40 katao para sa pagiging registration officer-2 habang 165 katao sa registration officer-1 o may katumbas na halaga ng sahod na hindi bababa sa P20,000 pataas.

Matatandaang makailang napag-usapan ang pagkakaroon ng National ID system kung saan napahaba ang diskusyon dahil ang ibang grupo ay tutol sa pagkakaroon ng nasabing ID dahil umano sa posibleng malabag ang privacy ng mga Pilipino.

Facebook Comments