Maaari kasing magdulot ng hindi maganda sa kalusugan ng isnag tao ang mga produktong mabibili na hindi dumaan sa tamang proseso kaya’t mainam na ugaliin na suriin ang mga binibiling produkto.
Ilan sa mga sinira kagamitang na walang quality label ang rice cooker, electric kettle, Christmas light, bulb incandescent lamp, electric fan at maraming iba pa.
Aabot sa mahigit 300,000 ang halaga ng sinirang gamit ng DTI.
Isang palatandaan na maituturing na dumaan sa tamang proseso ang isang produkto ay ang mayroong nakaimprenta na aprubado ng DTI.
Magpapatuloy naman ang pagbabantay ng amga tauhan ng ahensya sa lahat ng tindahan para masigurong ligtas at hindi makakaapekto ito sa mga mamimili.
Hinimok naman ng ahensya ang publiko na huwag basta bibili sa online dahil walang katiyakan ang mga ito sa totoong itsura o kondisyon ng mga ibinibentang produkto.