
Nasabat ang mahigit 30kg na shabu na nakasilid sa green na maleta.
Ayon sa pahayag ng Cavite PPO nagpapatrolya umano sila sa naturang lugar nang may magtimbre ng kahina-hinalang maleta.
Napag-alaman na may nakasilid na 30kg na pinaghihinalaan na shabu at may presyo na mahigit P204,000,000.00.
Nakuha ang isang piraso ng surveillance camera na naka- install sa malapit na poste na pinaglagyan ng suitcase.
Nagsagawa naman na ng backtracking ang pulisya para matunton kung kanino nagmula ang naturang ilegal na droga.
Facebook Comments









