
Natanggap na ng Bureau of Immigration (BI) ang kopya ng Department Order 435 mula sa Department of Justice (DOJ).
Dito nakasaad ang pagkakatanggal o pagsibak sa pwesto ngayong araw kay Board of Special Inquiry (BSI) Chief Gilberto Repizo ng Bureau of Immigration.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, itinalaga si Atty. Ruben Casibang Jr., bilang acting chief ng Board of Special Inquiry.
Matatandaaang si Repizo ang nag-akusa kay BI Commissioner Joel Anthony Viado na nag-aantala umano sa mga deportation cases, pagbibigay-pabor, at pagsasawalang-kibo sa katiwalian.
Facebook Comments