Mahigit 33-K na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng all-time high na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kahapon, 33,169 na bagong kaso ang naitala kaya aabot na sa 2, 998, 530 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Pinakamataas na bagong kaso ay naitala sa Metro Manila (18,535), sinundan ng CALABARZON (7,443) at Central Luzon (3,403).


Samantala, sumampa na sa 157,526 ang active cases sa bansa.

Habang ang bilang ng nasawi ay umabot na sa 52,293 matapos na madagdagan ng 145 kahapon.

3,725 naman ang bagong gumaling sa sakit para sa kabuuang 2, 788, 711.



Operational ang lahat ng laboratoryo pero 10 ang hindi nakapagsumite ng datos.

Facebook Comments