Mahigit 36 na libong piso halaga ng isdang ginamitan ng dinamita, nakumpiska ng PCG sa Real Quezon

Manila, Philippines – Nakumpiska ng mga pinagsanib na pwersa ng Coast Guard Northern Quezon,Coast Guard Station Real, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Council , Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Municipal Agricultural Office (MAGO) ng Real, Quezon ang humigit kumulang 360 kilos ng isda na nagkakahalaga ng P36,000.00 sa market value habang nagsasagawa ng joint anti-illegal fishing operation sa bahagi ng karagatan sakop ng Brgy. Ungos and Brgy. Pob 61, Real, Quezon kahapon.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo sinita ng naturang mga team ang Motorbanca na “Kevin 2”, isang passenger/cargo motorbanca matapos na matuklasang inabandona sa Poblacion 61 sa Real Quezon.

Paliwanag ni Balilo sinuri ng BFAR Real Quezon ang isda at napag-alaman na hinuli ang isda sa pamamagitan ng paggamit ng dinamit na lubhang mahigpit na ipinagbabawal ng batas.


Ang naturang mga nakumpiskang isda ay dinala na sa PCG Real Quezon para sa proper disposition.

Facebook Comments