Gumagaling sa COVID-19 sa Pasig City, patuloy ang pagtaas

Ikinalugod ng Pasig City Government na sobra sa kalahati ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa lungsod.

Pumapalo na sa 702 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasig City kung saan 386 na ang gumaling habang 76 ang nasawi.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, malaki ang kontribusyon ng kanilang ginagawang pagpapaalala sa lahat ng mga residente na parating ipatupad ang social distancing at sumunod sa ipinatutupad na health protocol ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) upang maiwasan na mahawaan ng COVID-19.


Paliwanag ng alkalde, napag-aaralan na nila at natututo na rin sila sa kanilang mga karanasan kaya’t gumagawa ng kaukulang hakbang ang Pasig City Government na tuluyang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Facebook Comments