Gwardya arestado matapos gahasain ang sekretarya ng kanilang opisina

Malay, Aklan – Arestado ang isang gwardya matapos umanong gahasain nito ang kanilang sekretarya sa opisina kahapon sa isla ng Boracay.
Base sa report na nasa loob ng kanilang opisina ang 23-anyos na biktima ng kumatok at pumasok ang suspek na sinasabing lasing.
Umupo ito at nakipag-usap pero nong huli ay hinila at sinakal nito ang biktima.
Nagmakaawa pa ang biktima pero hindi ito pinakinggan ng suspek at tuluyang hinubaran at ginahasa.
Dahil sa may hawak na screw driver ang suspek habang ginagahasa ang biktima ay hindi na ito nanlaban dahil naman sa takot.
Naka takas ang biktima ng merong kumatok sa pinto na isa ring gwardya kung saan agad na nakahingi ito ng tulong.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malay PNP ang suspek matapos na mahuli sa tinutuluyang boarding house sa lugar.

Facebook Comments