
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa 4,141 indibidwal o katumbas ng 1,131 pamilya ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sa bilang na ito, 4,092 indibidwal o 1,116 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga itinalagang evacuation centers, habang 48 katao o 15 pamilya ang naitalang naninirahan sa labas ng mga evacuation site.
Samantala, umabot na sa mahigit P8 milyon ang naipamahaging tulong at assistance sa mga apektadong residente.
Ayon sa NDRRMC, ang mga apektadong populasyon ay mula sa Camalig, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, at Tabaco City sa lalawigan ng Albay, na pawang nasa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone ng bulkan.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kahandaan sakaling tumaas pa ang alert level ng Bulkang Mayon.









