*Cauayan City, Isabela*-Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na mula pa sa Quezon City matapos mahulihan ng 37 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuanamarijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P4 na milyong piso.
Ayon sa nakuhang impormasyon mula sa PNP Kalinga, agad na nagsagawa ng operasyon ang kapulisan matapos makatanggap ng impormasyon na may ibibiyaheng marijuana mula sa Tinglayan, Kalinga na kilalang may malawak na taniman ng nasabing bawal na gamot.
Lumabas pa sa imbestigasyon, nang sumakay ang mga suspek na sina Jose San Juan Jr. at Kian Cortez ay sumakay din ang isang intelligence ng PNP.
Nang makarating na ang mga ito sa Brgy. Bulanao, bumaba umano ang dalawa nang mapansin ang isang patrol car ng PNP kung saan sinundan pa rin sila ng intel police.
Nahuli ang dalawa na bitbit ang apat na bag na laman ang mga marijuana sa Purok 6, Bulanao.
Nahaharap naman sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.