Umabot na sa mahigit 40 domestic at international flights ang kinansela ngayong araw dahil sa typhoon Ompong.
Kabilang dito ang mga biyaheng Clark-Virac-Clark, Tagbilaran-Seoul, Clark-Basco-Clark, Clark-Tuguegarao-Clark at Davao-Clark ng Philippine Airlines at Xiamen-Manila-Xiamen ng Xiamen Airlines.
Nagkansela rin ng walong biyahe ang Cebu Pacific mula Maynila patungong Tuguegarao, Cauayan at Virac at vice versa.
Habang nagkansela rin ng kani-kanilang mga biyahe ang Air Swift, Cebgo at Skyjet.
Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na tumawag muna sa airline company para masiguro kung tuloy ang kanilang mga biyahe.
Samantala, umabot na sa mahigit 4,000 ang stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.
Ayon kay Philippine Coast Guard Comm. Armand Balilo – kahit signal number 1 pa lang sa mga lugar na apektado ng bagyo, nagkansela na rin sila ng biyahe ng mga passenger ship maging ng mga fishing boat sa Visayas at Mindanao.