Pacquiao, magkakaroon ng libreng concert sa Setyembre

40

Inanusiyo ni Senator Manny Pacquiao na magkakaroon siya ng libreng concert para sa kaniyang fans sa darating na Setyembre 1.

Sa isang press conference sa Makati City, sinabi ni Pacquiao na nais niyang ibahagi sa mga fans ang kaniyang hilig sa musika.


“This is a wonderful opportunity to share with my fans my passion for music. That’s the problem – I love music but music doesn’t love me. But I keep on going,” ani Pacquiao.

Iaanunsiyo rin ang detalye ng concert na hindi na kailangang magbayad ng fans ayon kay Pacquiao.

Dagdag niya, huminto siya sa pag-awit noong walo hanggang siyam na taong gulang pa lamang siya kaya kinokonsidera niya ito bilang comeback.

Ayon sa kaniyang business manager na si Arnold Vegafria, makakasama ni Pacquiao rito ang ilan pang Asian stars.

“I need to have duets because it’s difficult to sing many songs alone,” ani Pacquiao.

Bukod sa boxing, ang Pambansang Kamao ay kilala sa kaniyang mga kanta tulad ng Para sayo ang laban na ‘to, Bilog ang Mundo, Pagsubok Lamang ‘Yan, Lahing Pinoy at iba pa.

Facebook Comments

From Advertisers