Quezon City – Mahigit sa 40 na tao ang pinagdadampot ng QCPD sa ikinasang Oplan Sagip Anghel at Oplan Galugad.
Aabot sa 30 menor de edad ang sinagip ng mga pulis na nakitang namamalimos at pagala-gala sa lansangan sa kabila ng ipinatutupad ng curfew sa nasabing lungsod.
Pinauwi naman ang iba sa mga ito matapos pagsabihan at sunduin ng mga magulang habang ang iba sa kanila ay aalamin kung saan nakatira.
Inaalam na din kung may kriminal record ang sampung tao na dinampot sa Oplan Galugad.
Facebook Comments