Motorcycle rider, patay matapos makaalitan ang gwardiya sa Port Area, Manila

Manila, Philippines – Dahil sa init ng ulo, patay ang isang motorcycle rider matapos makaalitan ang isang security guard sa maynila.

Kinilala ang biktimang rider na si Simeonito Dimaala habang ang suspek na guwardiya ay nakilalang si Ryan Blanco.

Nagmamando ng trapiko ang gwardiya sa port area nang makasagutan ang biktima.


Sinasabing napikon ang gwardiya sa pagmumura at pagbubusina ng biktima kaya’t binaril niya ito ng ilang beses.

Nabatid na dati nang nagkaroon ng alitan ang dalawa kung saan naaresto naman ang suspek habang nag-aabang ito ng masasakyan para makatakas.

Facebook Comments