Friday, February 27, 2026

Mahigit 400 blood donors, target ng RMN Foundation sa Dugtong-Buhay Blood Donation Project

Target ng RMN Foundation ang mahigit 400 na successful blood donors sa isinasagawang na Dugtong-Buhay Blood Donation Project 2026 sa Barangay Pulong Sta. Cruz, Santa Rosa, Laguna.

Ayon kay RMN Foundation CSR Manager Patrick Aurelio, noong nakaraang taon nasa mahigit 200 donor ang nakiisa sa blood letting activity dito sa Laguna.

Kaya ngayong taon ay target nila ang mas maraming donor para mas marami rin silang matutulungan.

Aniya sa target nilang 400 hanggang 500 donors ay libong katao na ang matutulungan.

Sa pinakahuling data mula sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital na katuwang ng RMN Network sa blood letting activity, nasa 113 ang bilang ng mga nakapag-donate na ng dugo.

Ang mga nag-donate ng dugo ay mula sa Advance Ability Assistance (AAA) Training Center at ito na ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng ganitong aktibidad ang RMN sa Laguna.

Facebook Comments