Mahigit 400 doses ng COVID-19 vaccine, nasira sa sunog sa Ilocos Norte

Tinatayang aabot sa mahigit 400 doses ng COVID-19 vaccine ang nasira sa sunog na naganap noong Biyernes ng gabi sa San Nicole Municipal Health Office sa Ilocos Norte.

Ayon sa mga otoridad, mga bakuna ng AstraZeneca at Sinovac ang nadamay sa insidente nguynit inaalam pa ang eksaktong bilang ng vials na nasira.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection – San Nicolas, nagsimula ang sunog sa bodega ng medical supplies bandang alas siyete ng gabi.


Ayon kay BFP San Nicolas Inspector Reynold Auinaldo, pumalya umano ang compressor ng isang medical refrigerator sa storage room na siyang posibleng pinagmulan ng sunog.

Wala namang nasaktan sa insidente at inaalam pa ang halaga ng pinsala.

Facebook Comments