Mahigit 400 flood control projects na ininspeksyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kumpirmadong “ghost project” —DPWH

Nabisto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaan ang ilan pang mga katiwalian sa mga infrastructure at flood control projects sa buong bansa.

Ito’y matapos na makumpirma na ang 421 na mga proyekto mula sa mahigit 8,000 infrastructure at flood control project na ininspeksyon ng multiple teams kabilang na ang Philippine National Police (PNP) DepDev at Armed Forces of the Philippines ay “ghost projects.”

Ayon kay DPWH secretary Vince Dizon, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon pinakamaraming “ghost projects” na kanilang na-validate ay sa Luzon base na rin sa ginawa nilang “physical investigation.”

Aniya, nakita rin sa inisyal na report na involved din ang mga malalaking contractor na una nang nadawit sa mga sub-standard na proyekto.

Samantala, inaasahan pa na mas madaragdagan ang bilang ng mga “ghost project” base na rin sa paunang imbestigasyon ng multiple teams na nakatutok sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control
projects ng pamahalaan.

Facebook Comments