Mahigit 400 na batang kalye, nasagip ng City Social Welfare and Development sa Cagayan de Oro City

Cagayan de Oro City, Philippines – Nasagip ng mga otoridad at mga tauhan ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang umaabot 408 na batang kalye na palaboy-laboy lamang sa mga kalsada sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay City Police Office spokesperson Chief Insp. Mardy Hortillosa – layon nito na hindi na maulit ang robbery incident kung saan isang menor de edad ang nagsilbing suspek sa lungsod.

Sinimulan na nila na inihatid ang mga bata sa kani-kanilang mga tahanan upang mapangalagaan ng mga sariling magulang nito.


Inihayag pa nito na kung mayroong mga magulang na tumanggi na tanggapin ang kanilang mga anak ay agad sasagipin ng CSWD at dadalhin sa boys town ng siyudad.

Natuklasan na marami sa mga nailigtas na batang kalye ay mismong residente lamang ng lungsod habang ang ilan ay mga lahi ng Badjao na nagmula sa malalayo pang lugar dito sa Mindanao.

DZXL558

Facebook Comments