Mahigit 400 permanenteng bahay sa mga benepisyaryo ng 2017 Marawi Siege, naipamahagi na – Japan Embassy

Pormal nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisyaryo na nawalan ng tirahan noong 2017 Marawi Siege na matatagpuan sa Barangay Patani.

Ang handover ceremony ay dinaluhan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlements and Development (DHSUD) Secretary Eduardo D. Del Rosario at iba pang official.

Ang nasabing proyekto ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Japan Government at UN-Habitat Philippines na may kabuuang 1,000 permanenteng bahay na itinayo gamit ang teknolohiyang steel frame ang na-turn over mula noong 2021.


Ayon kay Japan Ambassador Koshikawa na magpapatuloy ang suporta ng Japan sa Mindanao at binigyan ng pagpapahalaga nito ang dedikasyon ng pagsususmikap sa mga tumulong sa proyekto.

Binigyan diin ni Koshikawa na ang suporta ng Japan sa gobyerno ng Pilipinas, ay mapapatuloy sa susunod na administrasyon, para sa pagpapasulong ng pag-unlad sa proseso ng kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao.

Facebook Comments