Deputy Speaker Crispin Remulla, tinanggap na ang alok na maging susunod na kalihim ng DOJ

101

Kinumpirma ni Deputy Speaker Jesus Crispin “Boying” Remulla na tinanggap na niya ang alok na maging kalihim ng Department of Justice o DOJ sa ilalim ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Remulla, karangalan para sa kaniya ang mapiling kalihim ng isa sa mga pinakamahahalagang ahensya sa bansa.

Si Remulla ay muling nanalo naman na kinatawan ng ika-pitong Distrito ng Cavite sa katatapos na May 2022 elections.


Sa 18th Congress, maliban sa pagiging Deputy Speaker ay tumayo siyang vice chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability at senior deputy majority leader ng House Committee on Rules.

Facebook Comments