MAHIGIT 4,000 DOSES NG COVID VACCINE SA CAUAYAN CITY, NASAYANG

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa mahigit apat na libong doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang matapos na mag-expire nitong buwan ng Abril dito sa lungsod ng Cauayan.

Sa datos ng Cauayan City Health Office, ang mga bakunang hindi na napakinabangan ay Pfizer, Sputnik at Moderna vaccine kung saan anumang araw ay kukunin na ito ng DOH sa kanilang tanggapan.

Gayunman, sapat pa rin naman ang supply ng bakuna sa Lungsod lalo at nadagdagan nanaman ng mga bagong dating na bakuna.

Kumpleto rin ang brand ng bakuna sa Lungsod maliban lamang sa Sputnik vaccine. Tuloy tuloy pa rin naman ang ginagawang vaccination activity sa iba’t-ibang site sa Lungsod at bukas pa rin ito sa lahat ng pasok sa priority age group, residente man o hindi ng Siyudad ng Cauayan.

Samantala, patuloy ding hinihikayat ang mga unvaccinated, walang second dose at booster shot na magtungo lamang sa mga itinalagang vaccination sites para maturukan ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments