Mahigit 4,000 scholars, napagtapos na ng Concordia Children’s Services Orphanage

Umaabot na sa mahigit 4,000 scholars ang natulungan ng Concordia Children’s Services sa buong bansa.

Ayon kay Chrisler Go, Executive Director ng Concordia Children’s Services, bahagi ito ng mahigit 2,000 na mga pamilya na kanilang natulungan.

Inanunsyo rin ni Go ang kanilang mga nakalinyang fundraising activities sa taong ito para sa pagpapalawak ng kanilang pagpapalawak ng kanilang orphanage.


Ang Concordia Children’s Services ay nagdiriwang ngayon ng kanilang ika-40 anibersaryo.

Kabilang din sa kanilang magiging panauhin mamaya sina National Authority for Child Care (NACC) Executive Director Undersecretary Janella Ejercito-Estrada, Association of Child Caring Agencies of the Philippines (ACCAP) Chairperson Attorney Gwendolyn Pimentel-Gana, at Senator Grace Poe-Llamanzares.

Facebook Comments