Aabot sa 4,512 fixed vaccination points ang natukoy ng pamahalaan para sa isasagawang pagpapabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang bawat isang vaccination team ay bubuuin ng anim na health care workers.
Kabilang dito ang isang physician, nurse o midwife na siyang mamamahala sa screening at assessment; isang allied professional o volunteer for health education; isa pang doktor o nurse para sa vaccination at dalawang health care workers mula sa partner agencies para idokumento ang nangyaring pagbabakuna.
Target naman ng bawat grupo na mabakunahan kontra COVID-19 ang 100 katao kada araw.
Sinabi pa ni Duque, mahahati sa limang bahagi ang vaccination process na kinabibilangan ng mga sumusunod:
― Registration
― Pre-vaccination education at counselling
― Screening at medical history review
― Vaccination at pag-isyu ng immunization card
― Post vaccination monitoring at surveillance