Mahigit 4,500 mga tahanan, nasira nang nagdaang sama ng panahon sa ilang rehiyon sa bansa

Sumampa na sa kabuuang 4,540 mga kabahayan ang nasira bunsod nang naranasang shearline sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 3,704 ang partially damaged na mga bahay.

Naitala ang mga ito sa MIMAROPA, Regions 6,8, 9, 10, 11, CARAGA at BARMM.


Habang pumalo na sa 836 ang totally damaged na mga kabahayan mula sa kaparehong mga rehiyon.

Nasa ₱54-M naman ang halaga ng napinsalang mga kabahayan.

Samantala, patuloy naman ang pamahalaan sa pamamahagi ng emergency shelter at shelter repair kit upang maisaayos muli ang mga nasirang tahanan.

Facebook Comments