Nasa evacuation centers pa rin ngayon ang 45, 906 families na naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Habang nakikituloy pa rin ngayon sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan ang 24,605 families.
Ang bilang ng mga pamilyang nasa mga evacuation centers at sa mga pamilyang nakitira sa kanilang mga ka-anak ay kabilang sa 891,457 families na naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Regions 1,2,3 CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, NCR at CAR.
Nagpapatuloy ang ayuda ng gobyerno sa mga pamilyang ito.
Sa katunayan batay pa sa huling ulat ng NDRRMC umabot na sa mahigit 114 milyong piso ng mga relief goods at iba pang mga pangangailangan ang naitulong na nang DSWD, mga LGUs, Non-Government Organization (NGO) at mga private partners para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.