Mahigit 45K COVID-19 vaccine, inilaan para sa 3-phase ng pediatric vaccination

Tinatayang 45,000 hanggang 50,000 dose ng COVID-19 vaccine ang inilaan ng pamahalaan para sa 3-phase ng pediatric vaccination sa National Capital Region (NCR) na magsisimula sa Oktubre 15.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ibabase ang alokasyon sa bilang ng rehistradong kabataang nasa edad 12 hanggang 17 sa walong ospital.

Sa unang phase, babakunahan ang nasa edad 15 hanggang 17 at susundan naman ng 12 taong gulang hanggang 14.


Ikakasa naman ang second phase sa lahat ng National Capital Region (NCR) Local Government Units (LGU) habang ang ikatlong phase ng pagbabakuna sa menor de edad ay isasagawa sa mga lugar na nasa ilalim ng A2 category.

Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer at Moderna vaccine.

Facebook Comments