Kinumpirma ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na umabot na sa 5,781 kabataang edad 15 hanggang 17 na may comorbidity ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Kasabay ito ng pagsisimula ngayong araw ng Phase 2 ng pediatric vaccination.
Ayon kay Galvez, 13 na ospital mula sa naunang walo ang pinayagang makapagbakuna sa may edad na 15 hanggang 17 na mayroong may comorbidity.
Aniya, nais nilang bigyang-diin ang importansya ng pagbabakuna sa mga kabataan.
Ito kasi aniya ang magbibigay daan para makabalik sila sa mga paaralan at mas mabilis na mabuksan ang ating ekonomiya.
Facebook Comments