Mahigit 5-M doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa mga Pilipino

Mahigit limang milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang nagamit sa Pilipinas.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa 5,120,023 indibidwal na sa bansa ang nabakunahan kung saan 1,189,353 sa kanila ang fully vaccinated.

Mahigit 93% na rin ng mga health workers ang nabakunahan/


Sabi ni Galvez, kailangan ng gobyerno na makapagsagawa ng 500,000 jabs kada araw sa Metro Manila, Metro Davao, Metro Cebu at anim pang urban areas para maabot ang herd immunity pagsapit ng November 27.

Kumpiyansa naman ang opisyal na maaabot ang herd containment ng COVID-19 sa bansa sa Agosto o Setyembre basta’t maging steady na ang suplay ng bakuna.

Facebook Comments