Narekober ng tropa ng 96th Infantry Battalion (96IB) ng Philippine Army ang 53 na bomba ng New People’s Army matapos ang enkwentro sa Barangay Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur.
Nagtagal ng 20-minuto ang palitan ng putok, iniwan ng mga nagsitakas na NPA ang 33 pirasong mga bomba na tumitimbang ng 7 hanggang 10 kilo; at 20 piraso na 4 hanggang 5 kilo bawat isa, na ginagamit bilang anti-personnel mines.
Kinondena naman ni Joint Task Force Bicolandia Commander MGen. Henry Robinson Jr. ang paggamit ng NPA ng anti-personnel mines na aniya’y paglabag sa International Humanitarian Law.
Sinabi ni Robinson na ang mga narekober na pampasabog ay gagamitin sana ng mga NPA sa paghahasik ng terrorismo sa buong Bicol Region laban sa mga pulis, militar at mga sibilyan na nagtatrabaho sa mga government projects.
Matatandaang nito lang April 2 lang ay dalawang inosenteng sibilyan sa Ligao, Albay ang pinasabugan ng NPA ng anti-personnel mine.