Ikinagalak ng mahigit na 50 mga pasahero ang unang araw ng pag-arangkada ngayong umaga na dalawang araw na RMN Biyahenihan katuwang ang Alagang Seaoil na umiikot mula Cubao Terminal sa Quezon City patungong Welcome Rotonda.
Sa unang pag-arangakada ng RMN Biyahenihan kanina mula West Point Cubao Terminal patungong Welcome Rotanda kung saan libre ang lahat ng mga pasaherong sumakay sa jeep at nakapagserbisyo tayo ng mahigit 50 at 20 mga pasahero ang nabigyan ng sobre na may lamang ₱100 premyo.
Nagulat ang mga pasahero nang matuklasan nila na mayroon pa lang sorpresang cash prize ang lahat ng mga pasaherong makakaupo sa may sticker na RMN Biyahenihan na inilagay sa mga upuan ng jeep.
Ayon kay Rudy Julio, isa sa mga mapalad na ang pasahero na nakaupo sa may sticker na RMN Biyahenihan na malaking tulong sa kanya ang cash price na ibinigay ng RMN Biyahenihan dahil nakatipid siya bukod pa sa libreng sakay.
Sa panig naman ni Rogelio “Rey” Camacho, jeepney driver, malaki aniyang tulong ang libreng sakay ng RMN Biyahenihan katuwang ang Alagang Seaoil, RMN-Marketing Media Ventures, 93.9 iFM at DZXL Radyo Trabaho upang makatulong sa mga commuter na pumapasok sa kani-kanilang mga pinapasukang trabaho na karamihan ay panggabi pauwi pa sa kanilang mga tahanan.