Higit 200 PDLs, pinalaya ng BuCor ngayong araw

Nasa 234 na mga person deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections mula sa iba’t ibang kulungan sa bansa.

Ayon sa BuCor, pinakamarami o 128 ay mula sa New Bilibid Prison.

Apatnapu’t pito (47) naman ang pinalaya sa Davao Prison and Penal Farm habang 21 mula sa Correctional Institute for Women.


Karamihan sa kanila ay nabigyan ng parole, napatunayang walang sala at ang iba ay napaikli ang sentensya dahil sa Good Conduct Time Allowance.

Nito lamang ding Setyembre nang palayain ang higit 350 PDLs.

Facebook Comments