Mahigit 50 mga kongresista, matatapos na ang termino sa Kamara

Aabot sa 53 mga kongresista ang magtatapos ang termino ngayong 18th Congress.

Bago ang “Sine Die Adjournment” ay magdaraos ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng “Pagpupugay sa mga Kinatawan” bilang pagkilala sa mga miyembro ng Kamara at kanilang mga nagawa sa nakalipas na Kongreso.

Sa mismong plenaryo gagawin ang nasabing seremonya.


Ang mga kongresista na ga-graduate ngayong araw ay iyong mga nakakumpleto ng kanilang termino o “3 full consecutive terms”.

Ang mga mambabatas na magtatapos ang termino ay gagawaran naman ng “Congressional Medal of Distinction.”

Nasa 296 ang kabuuang bilang ng mga kongresista ngayong 18th Congress kung saan naibawas na sa bilang na ito ang mga mambabatas na naitalaga sa ibang posisyon, naalis sa pwesto at mga pumanaw.

Facebook Comments