Mahigit 50 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa bansa

Pumalo na sa mahigit 50 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang naiturok sa buong bansa.

Base sa pinakahuling datos ng National Task Force Against COVID-19, nasa 23.3 million na mga Pilipino ang fully vaccinated na sa buong bansa o katumbas ng 30.28% ng target population ng pamahalaan.

Paliwanag naman ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang panibagong milestone na ito ay kasabay na rin ng pagbuhos ng supply ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.


Habang tiniyak din ng kalihim na patuloy na nakatutok ang national government sa pagpapabilis pa ng pagbabakuna sa mga Pilipino laban sa COVID-19.

Facebook Comments