Mahigit sa kalahating porsyento ng mga kabataan sa Pilipinas ang kayang matukoy kung fake news ang kanilang nababasang impormasyon.
Batay ito sa pag-aaral ng Boses, Opinyon, Siyasat, at Siyensya para sa Pilipinas (Boses Pilipinas) na pinangunahan ng Ateneo School of Government (ASOG).
Sa unang round ng Pinoy Voters’ Vibe online survey mula May 17 hanggang June 24, binigyan ng gawain ang 7,744 mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad upang tukuyin kung fake news o hindi ang impormasyon.
Nagresulta ito na 52.2% ng mga kabataan ay nakakuha ng anim na tama sa kabuuang walong puntos habang 63% ang nagsabing confident sa pagtukoy ng fake news.
Samantala, sa ikalawang round naman ng pag-aaral, aabot sa 24,625 ang lumahok kung saan susuriin ang tiwala ng mga ito sa Facebook bilang pagmumulan ng imporasyon.
Lumabas dito na tanging ang mga mayroong mataas na tiwala lamang sa mainstream media ang kayang matukoy ang fake news kumpara sa mga hindi naniniwala dito.
Ang Boses Pilipinas ang kauna-unahang university-based opinion at survey research unit na layong protektahan ang boses ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pananaliksik.