Sa kabila na naaprobahan na ng National Police Commission o NAPOLCOM noong May 2019 ang pagbibigay ng spot promotion sa 57 mga pulis na ideneploy sa Marawi noong 2017 para tumulong na mapalaya ang Marawi mula sa Maute terrorist group ay hindi pa rin ito naibibigay sa mga pulis.
Batay sa pinirmahang resolution ng NAPOLCOM promoted sana sa ranggong Police Major ang anim na police officer, pito ay promoted sa ranggong Police Captain, isa promoted sa Staff Seargent, dalawa promoted sana sa Police Master Seargent, walo ay aangat sana sa Police Staff Sergeant, 25 ay promoted sana sa Police Corporal at apat promoted sana bilang Patrolman.
Sinabi naman ni PNP OIC Lt Gen Archie Gamboa na titiyakin nyang matutukan ang isyu upang maibigay ang nararapat na promosyon o benepisyo para sa mga bayaning pulis.
Matatandaang una nang nabinyag ng spot promosyon ang mahigit 700 mga pulis na ideneploy sa Marawi.
Kahapon ay ginunita sa Marawi City ang ikalawang taong paglaya ng lungsod mula sa mahigit limang buwang pagkakasakop ng maute terrorist group.