Mahigit 500 bagong COVID-19 case sa bansa, naitala; bilang ng mga nakarekober sa sakit, mahigit pitong libo na

Pumalo sa 27,799 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos maitala ngayon araw ang 562 na bagong mga kaso.

481 rito ay mga fresh cases habang 81 ang late cases.


Naitala naman ang 270 new recoveries na sumampa na sa 7,090.

Habang siyam (9) ang nadagdag sa mga nasawi na may kabuuang 1,116.

Umabot naman sa 6,091 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 2,843 ang mga gumaling na sa sakit habang 472 ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments