Mahigit 500 immigration officers, ideneploy sa 3 NAIA terminals ngayong Undas

Ipinakalat na ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit limang daang immigration officers sa NAIA Terminals 1, 2 at 3 kaugnay ng pagdagsa ng mga pasaherong lumalabas at pumapasok ng bansa ngayong Undas.

Ayon sa BI, karaniwan kasing tumataas ng anim hanggang sampung porsyento ang mga pasahero sa paliparan kapag panahon ng Undas.

Mahigpit ding pinaalalahanan ang immigration officers na bawal silang ma-late at mag-leave sa trabaho ngayong peak season.


Inaasahan din ng BI na sa susunod na linggo ay dadagsa sa NAIA terminals ang mahigit kalahating milyong mga pasahero.

Umapela naman ng pag-unawa ang BI sa mga pasahero dahil sa mahabang pila sa immigration counters dahil sa malaking volume ng mga biyahero.

Facebook Comments