Mahigit 500 raliyista, namonitor ng PNP sa Mendiola, Maynila at Pampanga

Manila, Philippines – Limang daan at walumpung mga raliyista ang namonitor National Operation Center sa Camp Crame ng Philippine National Police hanggang alas syete ng umaga kanina.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, limang daang mga miyembro ng Multi-Sectoral groups katulad ng KADAMAY, ANAKPAWIS at Samahan ng mga Magbubukid ang nag-vigil sa may liwasang bonifacio Mendiola, Manila.

Habang nasa 70 mga miyembro ng ANAKBAYAN NCR at Kadamay Balikwas ang namonitor sa may Mendiola, Maynila.


Sa lalawigan naman nasa walumpung miyembro ng Bayan, AMGL, AMBALA, IMB, KATRIBU, at WAR3 sa harap ng SM angeles sa lalawigan ng Pampanga.

Sa ngayon patuloy ang monitoring ng PNP sa mga lugar na may mga raliyista

Ito ay upang matiyak pa rin na magiging mapayapa ang ginagawang 31st ASEAN Summit sa bansa.

Facebook Comments