Mahigit 5000 military personnel, nabakunahan na

Umabot na sa 5,293 military Health personnel ang nabakunahan ng unang turok ng Sinovac vaccine sa anim na military treatment facilities.

Ito ang iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana matapos na pangunahan ang symbolic vaccination ng frontline civilian at military personnel ng Eastern Mindanao Command sa Camp Panacan Hospital sa Davao City.

Aniya, inaasahan nilang mas marami pang military personnel ang mababakunahan makaraang umabot sa mahigit 10,000 dose ng bakuna ang naihatid ng AFP sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang kahapon.


Maliban sa Davao City, dumating din kahapon ang 1,200 dose sa Basa Airbase, Pampanga; 2,400 dose sa Camp Aquino, Tarlac; 1,200 dose sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija; tig-600 dose sa Naval Station Agbenar at Wallace Air Station sa La Union; at 3000 dose sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

Naghatid rin kahapon ang dalawang helicopter ng AFP ng tig-1,200 dose sa Camp Nakar sa Quezon Province at Cavite Naval Base; at tig-600 dose sa 9th Infantry Division Headquarters sa Camarines Sur at Naval Station Jukhasan Arasain Medical sa Legazpi Albay.

Ikinarga naman sa aircraft ang 1,200 dose para sa 3rd Infantry Division sa Iloilo; 600 dose sa Central Command sa Cebu, at 1,200 dose para sa 8th Infantry Division sa Samar.

Facebook Comments