PNP, bumuo na ng Special Investigation Task Group kaugnay ng pagpatay sa Alkalde ng Calbayog City, Samar at 3 pang kasamahan nito

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas sa Police Regional Office 8 o Eastern Visayas ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) para tutukan ang kaso ng pagpatay kay Calbayog City, Samar Mayor Rolando Aquino at sa tatlo pang kasamahan nito.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, nagbibigay ng update kay PNP Chief ang Regional Director ng Eastern Visayas PNP na si Police Brigadier General Rolando de Jesus.

Natalakay na rin aniya ang nasabing usapin sa ginawang Command Conference ng PNP sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kagabi.


Matatandang nasawi si Mayor Aquino at tatlong nitong kasama matapos pagbabarilin ng hindi pa matukoy na mga salarin habang sakay ng kanilang sasakyan na patungo sa hilagang direksyon ng Calbayog alas-8:00 ng Lunes ng gabi.

Facebook Comments